Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:65

إِنَّ عِبَادِي لَيْسَ لَكَ عَلَيْهِمْ سُلْطَانٌ ۚ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ وَكِيلًا

Tunay na ang mga lingkod Ko ay hindi ka magkakaroon sa kanila ng kapamahalaanan. Nakasapat na ang Panginoon mo bilang Katiwala.

Tafsir

Tunay na ang mga lingkod Kong mga mananampalatayang mga gumagawa ng pagtalima sa Akin ay hindi ka, O Satanas, magkakaroon sa kanila ng pangingibabaw dahil Ako ay nagtatanggol sa kanila sa kasamaan mo. Nakasapat na si Allāh bilang Pinananaligan sa sinumang sumandig sa Kanya sa mga nauukol sa kanila.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah