Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:61

وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ قَالَ أَأَسْجُدُ لِمَنْ خَلَقْتَ طِينًا

[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," at nagpatirapa naman sila maliban kay Iblis na nagsabi: "Magpapatirapa ba ako para sa kanya na nilikha Mo lang mula sa putik?"

Tafsir

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi Kami sa mga Anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan ng pagpapatirapa ng pagbati na hindi pagpapatirapa ng pagsamba," kaya sumunod naman sila at nagpatirapa sila, sa kabuuan nila, sa kanya subalit si Satanas ay umayaw dahil sa pagpapakamalaki na magpatirapa kay Adan, na nagsasabi: "Magpapatirapa ba ako sa isang nilikha Mo mula sa putik samantalang ako ay nilikha Mo mula sa apoy kaya naman ako ay higit na marangal kaysa sa kanya?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah