Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:46
وَجَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَنْ يَفْقَهُوهُ وَفِي آذَانِهِمْ وَقْرًا ۚ وَإِذَا ذَكَرْتَ رَبَّكَ فِي الْقُرْآنِ وَحْدَهُ وَلَّوْا عَلَىٰ أَدْبَارِهِمْ نُفُورًا
At naglagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila naman ng pagkabingi. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo - tanging sa Kanya - sa Qur’ān ay bumabaling sila sa mga likuran nila dahil sa pag-ayaw.
Tafsir
Naglagay Kami sa mga puso nila ng mga takip upang hindi sila makaintindi ng Qur'ān at naglagay Kami sa mga tainga nila ng kabigatan upang hindi sila makarinig nito ayon sa pagkadinig ng pakikinabang. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo sa Qur'ān lamang at hindi ka bumanggit sa mga diyos nilang inaakala, nanunumbalik sila sa mga dinaanan nila habang mga naglalayuan sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah