Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:30
إِنَّ رَبَّكَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّهُ كَانَ بِعِبَادِهِ خَبِيرًا بَصِيرًا
Tunay na ang Panginoon mo ay nagpapaluwag ng panustos sa kaninumang niloloob Niya at nagpapagipit. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay laging Tagabatid, Nakakikita.
Tafsir
Tunay na ang Panginoon mo ay nagpapaluwang ng panustos sa sinumang niloloob Niya at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob niya dahil sa isang kasanhiang malalim. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay laging Mapagbatid, Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman, saka nagtutuon ng utos Niya sa kanila ayon sa niloloob Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah