Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:27
إِنَّ الْمُبَذِّرِينَ كَانُوا إِخْوَانَ الشَّيَاطِينِ ۖ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِرَبِّهِ كَفُورًا
Tunay na ang mga tagapagwaldas ay laging mga kapatid ng demonyo. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat.
Tafsir
Tunay na ang mga tagapaggugol ng mga yaman nila sa mga pagsuway at ang mga tagapag-aksaya sa paggugol ay laging mga kapatid ng demonyo. Tumatalima sila sa mga iyon sa ipinag-uutos ng mga iyon sa kanila na pagwawaldas at pag-aaksaya. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat sapagkat hindi gumagawa iyon kundi ng anumang may pagsuway at hindi nag-uutos iyon kundi ng anumang ikinaiinis ng Panginoon niyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah