Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:25

رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَا فِي نُفُوسِكُمْ ۚ إِنْ تَكُونُوا صَالِحِينَ فَإِنَّهُ كَانَ لِلْأَوَّابِينَ غَفُورًا

Ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga sarili ninyo. Kung kayo ay magiging mga maayos, tunay na Siya sa mga nanunumbalik ay laging Mapagpatawad.

Tafsir

Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay higit na maalam sa anumang nasa mga budhi ninyo na pagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, mga gawain ng kabutihan, at pagpapakabuti sa mga magulang. Kaya kung ang mga layunin ninyo sa pagsamba ninyo at pakikitungo ninyo sa mga magulang ninyo at iba sa kanilang dalawa ay naging maayos, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – laging sa mga palabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ay Mapagpatawad, sapagkat ang sinumang nagbalik-loob mula sa naunang pagkukulang nito sa pagtalima nito sa Panginoon nito o sa mga magulang nito ay magpapatawad si Allāh dito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah

Al-Isra 17:25 · Tlawati