Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:23
۞ وَقَضَىٰ رَبُّكَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا ۚ إِمَّا يَبْلُغَنَّ عِنْدَكَ الْكِبَرَ أَحَدُهُمَا أَوْ كِلَاهُمَا فَلَا تَقُلْ لَهُمَا أُفٍّ وَلَا تَنْهَرْهُمَا وَقُلْ لَهُمَا قَوْلًا كَرِيمًا
Nag-utos ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at ng pagmamagandang-gawa sa mga magulang. Kung aabutan nga sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang mangusap sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal.
Tafsir
Nag-utos ang Panginoon mo, O tao, at nagsatungkulin Siya na huwag kang sumamba sa iba pa sa Kanya. Nag-utos Siya ng paggawa ng maganda sa mga magulang, lalo na sa sandali ng pag-abot sa katandaan. Kaya kung umabot sa isa sa mga magulang ang katandaan o umabot ito sa kapwa sa kanilang dalawa sa piling mo ay huwag kang manghinawa sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pagbubunganga ng nagpapahiwatig doon, huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa, at huwag kang magmagaspang sa kanilang dalawa sa pagsasalita. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal na may kabanayaran at kabaitan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah