Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:14
اقْرَأْ كِتَابَكَ كَفَىٰ بِنَفْسِكَ الْيَوْمَ عَلَيْكَ حَسِيبًا
Basahin mo ang talaan mo; nakasapat ang sarili mo ngayong araw laban sa iyo bilang isang mapagtuos.
Tafsir
Magsasabi Kami sa kanya sa araw na iyon: "Basahin mo, O tao, ang talaan mo at magsagawa ka ng pagtutuos sa sarili mo sa mga gawa mo; nakasapat ang sarili mo sa Araw ng Pagbangon bilang tagapagtuos para sa iyo."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah