Surah 17 · Juz 15

Al-Isra · 17:111

وَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي لَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُنْ لَهُ شَرِيكٌ فِي الْمُلْكِ وَلَمْ يَكُنْ لَهُ وَلِيٌّ مِنَ الذُّلِّ ۖ وَكَبِّرْهُ تَكْبِيرًا

Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na hindi gumawa ng anak, hindi nangyaring mayroon Siyang katambal sa paghahari Niya, at hindi nangyaring mayroon Siyang katangkilik dahil sa kaabahan. Dumakila ka sa Kanya nang [lubos na] pagdakila.

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa mga uri ng mga papuri, na nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng anak at nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng katambal sapagkat walang katambal sa Kanya sa paghahari Niya at walang dumadapo sa Kanya na kaabahan at pagkahamak, kaya hindi Siya nangangailangan ng mag-aadya sa Kanya at kakatig sa Kanya. Dumakila ka sa Kanya nang maraming pagdakila saka huwag kang mag-ugnay sa kanya ng isang anak ni ng isang katambal sa paghahari ni isang tagapag-adya na tagatulong."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah