Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:109
وَيَخِرُّونَ لِلْأَذْقَانِ يَبْكُونَ وَيَزِيدُهُمْ خُشُوعًا ۩
Nagsusubsob sila ng mga mukha habang umiiyak at nakadaragdag ito sa kanila ng kataimtiman.
Tafsir
Naglalapag sila ng mga mukha nila habang mga nakapatirapa kay Allāh habang umiiyak dahil sa takot sa Kanya at nakadaragdag sa kanila ang pagkarinig sa Qur'ān at ang pagbubulay-bulay sa mga kahulugan nito ng isang pagpapasailalim kay Allāh at isang pagkatakot sa Kanya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah