Surah 17 · Juz 15
Al-Isra · 17:107
قُلْ آمِنُوا بِهِ أَوْ لَا تُؤْمِنُوا ۚ إِنَّ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ مِنْ قَبْلِهِ إِذَا يُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ يَخِرُّونَ لِلْأَذْقَانِ سُجَّدًا
Sabihin mo: "Sumampalataya kayo sa [Qur’ān na] ito o huwag kayong sumampalataya." Tunay na ang mga binigyan ng kaalaman bago nito, kapag binibigkas ito sa kanila, ay nagsusubsob [sila] ng mga mukha, na mga nakapatirapa
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo: "Sumampalataya kayo sa [Qur’ān na] ito ngunit hindi nakadaragdag dito ang pananampalataya ninyo ng anuman o huwag kayong sumampalataya rito ngunit hindi nakababawas dito ang kawalang-pananampalataya ninyo ng anuman." Tunay na ang mga bumasa ng mga naunang kasulatang makalangit at nakakilala sa pagsiwalat at pagkapropeta, kapag binibigkas sa kanila ang Qur'ān, ay nakasubsob sila sa mga mukha nila habang mga nakapatirapa kay Allāh bilang pasasalamat.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah