Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:97
مَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَنُحْيِيَنَّهُ حَيَاةً طَيِّبَةً ۖ وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Ang sinumang gumawa ng isang mabuti, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya nila katumbas sa pinakamaganda sa anumang dati nilang ginagawa.
Tafsir
Ang sinumang gumawa ng isang gawang maayos na umaalinsunod sa Batas, maging isang lalaki man o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh, ay talagang magpapamuhay nga si Allāh sa kanya sa Mundo nang isang buhay na kaaya-aya dahil sa pagkalugod sa pagtatadhana ni Allāh, sa pagkakontento, at sa pagkakatuon sa mga pagtalima; at talagang gaganti nga si Allāh sa kanila ng gantimpala nila sa Kabilang-buhay ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang matuwid.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah