Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:83
يَعْرِفُونَ نِعْمَتَ اللَّهِ ثُمَّ يُنْكِرُونَهَا وَأَكْثَرُهُمُ الْكَافِرُونَ
Nakakikilala sila sa biyaya ni Allāh, pagkatapos ay nagkakaila sila nito, at ang higit na marami sa kanila ay tumatangging sumampalataya.
Tafsir
Nakakikilala ang mga tagapagtambal sa mga biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa kanila, na kabilang sa mga ito ang pagsusugo sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Pagkatapos nagkakaila sila sa mga biyaya Niya dahil sa kawalang ng pasasalamat sa mga ito at dahil sa pagpapasinungaling sa Sugo Niya. Ang higit na marami sa kanila ay ang mga tagapagkaila sa mga biyaya Niya – kaluwalhatian sa Kanya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah