Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:8
وَالْخَيْلَ وَالْبِغَالَ وَالْحَمِيرَ لِتَرْكَبُوهَا وَزِينَةً ۚ وَيَخْلُقُ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno ay upang sakyan ninyo ang mga ito at bilang gayak. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman.
Tafsir
Nilikha ni Allāh para sa inyo ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno upang sakyan ninyo ang mga ito at ipapasan ninyo sa mga ito ang mga dala-dalahan ninyo at upang maging isang kagandahan para sa inyo na ipinapampaganda ninyo sa mga tao. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman kabilang sa anumang ninais Niya ang paglikha niyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah