Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:78
وَاللَّهُ أَخْرَجَكُمْ مِنْ بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ لَا تَعْلَمُونَ شَيْئًا وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۙ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
Si Allāh ay nagpalabas sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo nang wala kayong nalalamang anuman at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
Tafsir
Si Allāh ay nagpalabas sa inyo, O mga tao, mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo matapos ng pagwawakas ng panahon ng pagbubuntis bilang mga batang walang natatalos na anuman, at gumawa para sa inyo ng pandinig upang duminig kayo sa pamamagitan nito, ng mga paningin upang tumingin kayo sa pamamagitan ng mga ito, at ng mga puso upang makapag-unawa kayo sa pamamagitan ng mga ito, sa pag-asang magpasalamat kayo sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa mga iyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah