Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:76
وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا رَجُلَيْنِ أَحَدُهُمَا أَبْكَمُ لَا يَقْدِرُ عَلَىٰ شَيْءٍ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوْلَاهُ أَيْنَمَا يُوَجِّهْهُ لَا يَأْتِ بِخَيْرٍ ۖ هَلْ يَسْتَوِي هُوَ وَمَنْ يَأْمُرُ بِالْعَدْلِ ۙ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa sa dalawang lalaking ang isa sa kanilang dalawa ay pipi na hindi nakakakaya ng anuman at siya ay isang pabigat sa tagatangkilik niya, na saan man ito magbaling sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan. Nagkakapantay ba siya at ang sinumang nag-uutos sa katarungan habang ito ay nasa isang landasing tuwid?
Tafsir
Naglahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isa pang paghahalintulad para sa pagtugon sa kanila. Ito ay paghahalintulad sa dalawang lalaki na ang isa sa dalawa sa kanila ay pipi na hindi nakaririnig ni nakabibigkas ni nakaiintindi dahil sa pagkabingi niya at pagkapipi niya, na walang-kakayahan sa pagpapakinabang sa sarili niya at sa pagpapakinabang sa iba pa sa kanya. Siya ay isang pasaning mabigat sa sinumang nagtataguyod sa kanya at tumatangkilik sa nauukol sa kanya at saanmang dako magpadala ito sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan at hindi siya nagtatamo ng isang hinihiling. Pumapantay ba ang sinumang ganito ang kalagayan niya sa sinumang maayos ang pandinig at ang pagbigkas, na ang pakinabang nito ay nakararating sa iba sapagkat ito ay nag-uutos sa mga tao ayon sa katarungan habang ito ay matuwid sa sarili nito sapagkat ito ay nasa isang daang maliwanag na walang pagkalito roon ni kabaluktutan? Kaya papaanong nagpapantay kayo, O mga tagapagtambal, sa pagitan ni Allāh, na nailalarawan sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan, at ng mga anito ninyong hindi dumidinig ni bumibigkas ni nagdudulot ng pakinabang ni pumapawi ng pinsala?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah