Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:67

وَمِنْ ثَمَرَاتِ النَّخِيلِ وَالْأَعْنَابِ تَتَّخِذُونَ مِنْهُ سَكَرًا وَرِزْقًا حَسَنًا ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ

Mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mga ubas ay gumagawa kayo ng isang nakalalasing at isang panustos na maganda. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong umuunawa.

Tafsir

Para sa inyo ay may pangaral kaugnay sa itinutustos Namin sa inyo mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mula sa mga bunga ng mga ubas sapagkat gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang pampalasing na nag-aalis ng isip at ito ay hindi maganda, at gumagawa kayo mula rito ng isang panustos na maganda na nakikinabang kayo rito tulad ng datiles, pasas, suka, at pulot. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya para sa mga taong nakapag-uunawa sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah