Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:52

وَلَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَهُ الدِّينُ وَاصِبًا ۚ أَفَغَيْرَ اللَّهِ تَتَّقُونَ

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa at ukol sa Kanya ang pagtalima nang palagian. Kaya sa iba pa kay Allāh ba kayo nangingilag magkasala?

Tafsir

Sa Kanya lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa. Ukol sa Kanya lamang ang pagtalima, ang pagpapasailalim, at ang pagpapakawagas nang matatag. Kaya ba sa iba pa kay Allāh kayo nangangamba? Huwag; bagkus, mangamba kayo sa Kanya lamang.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah