Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:38
وَأَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ ۙ لَا يَبْعَثُ اللَّهُ مَنْ يَمُوتُ ۚ بَلَىٰ وَعْدًا عَلَيْهِ حَقًّا وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
Nanumpa sila kay Allāh ayon sa mariing panunumpa nila na hindi bubuhay si Allāh sa sinumang mamamatay. Bagkus, [bubuhay Siya] bilang isang pangakong totoo sa Kanya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam,
Tafsir
Sumumpa ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagbubuhay, habang mga nagpapalabis sa pagsumpa nila na mga nagpupunyagi rito na mga nagbibigay-diin dito, na hindi bubuhay si Allāh ng sinumang mamamatay. [Sumusumpa sila] nang wala silang naging katwiran doon. Bagkus, bubuhay si Allāh sa bawat sinumang mamamatay, bilang pangako mula sa Kanya na totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam na si Allāh ay bubuhay sa mga patay kaya ikinakaila nila ang pagbubuhay.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah