Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:36

وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ هَدَى اللَّهُ وَمِنْهُمْ مَنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ الضَّلَالَةُ ۚ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ

Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagdidiyus-diyusan." Kaya kabilang sa kanila ay pinatnubayan ni Allāh at kabilang sa kanila ay naging karapat-dapat sa kanya ang kaligawan. Kaya maglakbay kayo sa lupa at tumingin kayo kung naging papaano ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.

Tafsir

Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat naunang kalipunan ng isang sugong nag-uutos sa kalipunan nito na sumamba kay Allāh lamang at tumigil sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito, mga demonyo, at iba pa sa mga ito. Kaya kabilang sa kanila noon ang itinuon ni Allāh kaya sumampalataya sa Kanya at sumunod sa dinala ng Sugo Niya, at kabilang sa kanila noon ang tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya kaya hindi Niya itinuon saka naging obligado roon ang kaligawan. Kaya maglakbay kayo sa lupa upang makita ninyo sa pamamagitan ng mga mata ninyo kung papaano naging ang kinahantungan ng mga tagapagpasinungaling matapos na may dumapo sa kanila na pagdurusa at kapahamakan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah