Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:33

هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا أَنْ تَأْتِيَهُمُ الْمَلَائِكَةُ أَوْ يَأْتِيَ أَمْرُ رَبِّكَ ۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ اللَّهُ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ

Wala silang hinihintay malibang pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta sa kanila ang utos ng Panginoon mo. Gayon ang ginawa ng mga nauna sa kanila. Hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa kanila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.

Tafsir

Naghihintay kaya ang mga tagapagtambal na mga tagapagpasinungaling na ito maliban pa na pumunta sa kanila ang Anghel ng Kamatayan at ang mga tagatulong nito kabilang sa mga anghel para kumuha ng mga kaluluwa nila at humambalos ng mga mukha nila at mga likod nila, o pumunta sa kanila ang utos ni Allāh na pagpuksa sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa sa Mundo? Tulad ng gawaing ito na ginagawa ng mga tagapagtambal sa Makkah, gumawa nito ang mga tagapagtambal na nauna sa kanila kaya nagpahamak sa mga iyon si Allāh. Hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa kanila nang nagpahamak Siya sa kanila, subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah