Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:22
إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۚ فَالَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ قُلُوبُهُمْ مُنْكِرَةٌ وَهُمْ مُسْتَكْبِرُونَ
Ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa. Ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, ang mga puso nila ay mga nagkakaila habang sila ay mga nagmamalaki.
Tafsir
Ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay sinasambang nag-iisang walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Ang mga hindi sumasampalataya sa pagbubuhay para sa pagganti, ang mga puso nila ay mga tumatanggi sa kaisahan ni Allāh dahil sa kawalan ng pangamba ng mga ito sapagkat ang mga ito ay hindi naniniwala sa pagtutuos ni sa parusa habang sila ay mga nagpapakamalaki: hindi tumatanggap ng katotohanan ni nagpapasailalim dito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah