Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:18
وَإِنْ تَعُدُّوا نِعْمَةَ اللَّهِ لَا تُحْصُوهَا ۗ إِنَّ اللَّهَ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
Kung bibilangin ninyo ang biyaya ni Allāh ay hindi ninyo ito maiisa-isa. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain.
Tafsir
Kung magtatangka kayo, O mga tao, ng pagbilang sa maraming biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa inyo at ng pagtatakda sa mga ito, hindi kayo makakakaya niyon dahil sa dami ng mga ito at pagkasarisari ng mga ito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad yayamang hindi Siya nagparusa sa inyo dahil sa pagkalingat sa pagpapasalamat sa mga ito, Maawain yayamang hindi Siya pumutol ng mga ito sa inyo dahilan sa mga pagsuway at pagkukulang sa pagpapasalamat sa Kanya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah