Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:14

وَهُوَ الَّذِي سَخَّرَ الْبَحْرَ لِتَأْكُلُوا مِنْهُ لَحْمًا طَرِيًّا وَتَسْتَخْرِجُوا مِنْهُ حِلْيَةً تَلْبَسُونَهَا وَتَرَى الْفُلْكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

Siya ay ang nagpasilbi sa dagat upang kumain kayo mula rito ng sariwang laman, humango kayo mula rito ng hiyas na isinusuot ninyo – at nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal dito – at upang maghangad kayo mula sa kabutihang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.

Tafsir

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpaamo para sa inyo ng dagat kaya nagpakaya Siya sa inyo sa pagsakay rito at paghango ng narito upang kumain kayo mula sa mga nahuhuli ninyo na mga isda nito na laman na makatas na malambot at humango kayo mula rito ng palamuting isinusuot ninyo at isinusuot ng mga kababaihan ninyo gaya ng perlas. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumibiyak sa mga alon ng dagat. Sumasakay kayo sa mga daong na ito sa paghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh na natatamo mula sa tubo ng kalakalan, sa pag-asang magpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo at magbukod-tangi kayo sa Kanya sa pagsamba.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah