Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:124

إِنَّمَا جُعِلَ السَّبْتُ عَلَى الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِيهِ ۚ وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ

Itinalaga lamang ang Sabath para sa mga nagkakaiba-iba hinggil dito. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba.

Tafsir

Itinalaga lamang ang pagdakila sa Sabath bilang tungkulin sa mga Hudyong nagkaiba-iba hinggil dito upang ipangilin nila para sa pagsamba palayo sa mga pinagkakaabalahan nila matapos na nalayo sila sa araw ng Biyernes na ipinag-utos sa kanila na ipangilin ito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang maghahatol sa pagitan ng mga nagkakaiba-ibang ito sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba para gumanti Siya sa bawat isa dahil sa anumang nagiging karapat-dapat dito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah