Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:119
ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُوا السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ تَابُوا مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, sa mga gumawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan at pagkatapos ay nagbalik-loob matapos niyon at nag-ayos, tunay na [sa kanila] ang Panginoon mo matapos niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain.
Tafsir
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, para sa mga gumawa ng mga masagwa dala ng kamangmangan sa kahihinatnan ng mga iyon kahit pa man nangyaring sila ay mga nananadya, pagkatapos nagbalik-loob sila kay Allāh matapos na gumawa sila ng mga masagwa at nagsaayos ng mga gawain nila na may katiwalian, tunay na ang Panginoon mo noong matapos ng pagbabalik-loob ay talagang Mapagpatawad sa mga pagkakasala nila, Maawain sa kanila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah