Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:116

وَلَا تَقُولُوا لِمَا تَصِفُ أَلْسِنَتُكُمُ الْكَذِبَ هَٰذَا حَلَالٌ وَهَٰذَا حَرَامٌ لِتَفْتَرُوا عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ لَا يُفْلِحُونَ

Huwag kayong magsabi ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan: "Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal," upang gumawa-gawa kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan. Tunay na ang mga gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay.

Tafsir

Huwag kayong magsabi, O mga tagapagtambal, ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan laban kay Allāh: "Ang bagay na ito ay ipinahihintulot at ang bagay na iyan ay ipinagbabawal," sa layunin na lumikha-likha kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagbabawal sa hindi Niya ipinagbawal at pagpapahintulot sa hindi Niya ipinahintulot. Tunay na ang mga lumilikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatamo ng hinihiling at hindi maliligtas mula sa pinangingilabutan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah