Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:112
وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا قَرْيَةً كَانَتْ آمِنَةً مُطْمَئِنَّةً يَأْتِيهَا رِزْقُهَا رَغَدًا مِنْ كُلِّ مَكَانٍ فَكَفَرَتْ بِأَنْعُمِ اللَّهِ فَأَذَاقَهَا اللَّهُ لِبَاسَ الْجُوعِ وَالْخَوْفِ بِمَا كَانُوا يَصْنَعُونَ
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa sa isang pamayanang iyon dati ay matiwasay at napapanatag. Pumupunta rito ang panustos nito nang masagana mula sa bawat pook ngunit nagkaila ito sa mga biyaya ni Allāh kaya pinatikim ni Allāh ito ng damit ng pagkagutom at pangamba dahilan sa kanilang ginagawa noon.
Tafsir
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang pamayanan, ang Makkah, na iyon dati ay matiwasay na hindi nangangamba ang mga naninirahan doon, na matatag samantalang ang mga tao sa paligid niyon ay dinudukot. Dumarating doon ang panustos niyon nang kaiga-igaya at madali mula sa bawat pook. Ngunit nagkaila ang mga naninirahan doon sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila na mga biyaya at hindi nagpasalamat kaya gumanti sa kanila si Allāh ng pagkagutom at pangambang matinding nakalitaw sa mga katawan nila bilang hilakbot at pangangayayat hanggang sa ang dalawang ito ay naging gaya ng damit [sa pagkapit] sa kanila dahilan sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah