Surah 16 · Juz 14
An-Nahl · 16:110
ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ هَاجَرُوا مِنْ بَعْدِ مَا فُتِنُوا ثُمَّ جَاهَدُوا وَصَبَرُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, sa mga lumikas mula ng matapos na usigin sila at pagkatapos ay nakibaka sila at nagtiis sila, tunay na ang Panginoon mo matapos niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain.
Tafsir
Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Mapagpatawad, Maawain sa mga sinisiil kabilang sa mga mananampalataya na mga lumikas mula sa Makkah patungo sa Madīnah matapos pagdusahin sila ng mga tagapagtambal at usigin sila dahil sa relihiyon nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya samantalang ang mga puso nila ay napapanatag sa pananampalataya. Pagkatapos nakibaka sila ayon sa landas ni Allāh upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa. Nagtiis sila sa mga hirap niyon. Tunay na ang Panginoon mo – noong matapos ng pagsubok na iyon na ipinansubok sa kanila at ng pagpaparusang pinagdusahan nila hanggang sa nakabigkas sila ng salita ng kawalang-pananampalataya – ay talagang Mapagpatawad sa kanila, Maawain sa kanila dahil sila ay hindi nakabigkas ng salita ng kawalang-pananampalataya malibang habang mga napipilitan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah