Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:11

يُنْبِتُ لَكُمْ بِهِ الزَّرْعَ وَالزَّيْتُونَ وَالنَّخِيلَ وَالْأَعْنَابَ وَمِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ

Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga pananim, mga oliba, mga datiles, mga ubas, at kabilang sa lahat ng mga bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda ukol sa mga taong nag-iisip-isip.

Tafsir

Nagpapatubo si Allāh para sa inyo sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga pananim na kumakain kayo mula sa mga ito. Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga oliba, mga datiles, at mga ubas. Nagpapatubo Siya para sa inyo ng lahat ng mga bunga. Tunay na sa tubig na iyon at anumang namumutawi buhat doon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nag-iisip-isip sa paglikha Niya kaya nakapagpapatunay sila sa pamamagitan nito sa kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah