Surah 16 · Juz 14

An-Nahl · 16:104

إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ لَا يَهْدِيهِمُ اللَّهُ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh ay hindi magpapatnubay sa kanila si Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.

Tafsir

Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na ang mga ito ay mula sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi magtutuon sa kanila si Allāh sa kapatnubayan hanggat nanatili silang mga nagpupumilit doon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa taglay nila na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga tanda Niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah