Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:96

فَلَمَّا أَنْ جَاءَ الْبَشِيرُ أَلْقَاهُ عَلَىٰ وَجْهِهِ فَارْتَدَّ بَصِيرًا ۖ قَالَ أَلَمْ أَقُلْ لَكُمْ إِنِّي أَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ

Kaya noong dumating na ang tagapagbalita ng nakagagalak, ipinukol nito iyon sa mukha niya kaya nanumbalik siya na nakakikita. Nagsabi siya: "Hindi ba sinabi ko sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?"

Tafsir

Kaya noong nakarating ang tagapag-ulat ng magpapatuwa kay Jacob, ipinukol nito ang kamisa ni Jose sa mukha niya kaya siya ay naging nakakikita. Sa sandaling iyon ay nagsabi siya sa mga anak niya: "Hindi ba nagsabi ako sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam mula sa kabaitan ni Allāh at paggawa Niya ng maganda ng hindi ninyo nalalaman mismo?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah