Surah 12 · Juz 13
Yusuf · 12:93
اذْهَبُوا بِقَمِيصِي هَٰذَا فَأَلْقُوهُ عَلَىٰ وَجْهِ أَبِي يَأْتِ بَصِيرًا وَأْتُونِي بِأَهْلِكُمْ أَجْمَعِينَ
Umalis kayo kalakip ng kamisa kong ito at ipukol ninyo sa mukha ng ama ko, pupunta siyang nakakikita. Pumunta kayo sa akin kasama ng mag-anak ninyo nang sama-sama."
Tafsir
Kaya ibinigay ni Jose sa kanila ang kamisa niya noong naipaalam nila sa kanya ang kinahantungan ng paningin ng ama niya at nagsabi siya: "Umalis kayo kalakip ng kamisa kong ito saka ihagis ninyo sa mukha ng ama ko, manunumbalik para sa kanya ang paningin niya. Dalhin ninyo sa akin ang mga mag-anak ninyo sa kabuuan nila."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah