Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:91

قَالُوا تَاللَّهِ لَقَدْ آثَرَكَ اللَّهُ عَلَيْنَا وَإِنْ كُنَّا لَخَاطِئِينَ

Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang minagaling ka ni Allāh kaysa sa amin at tunay na kami dati ay talagang mga nagkakamali."

Tafsir

Nagsabi sa kanya ang mga kapatid niya, na mga humihingi ng paumanhin dahil sa pinaggagawa nila sa kanya: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagtangi sa iyo si Allāh higit sa amin dahil sa ibinigay Niya sa iyo na mga katangian ng kalubusan. Talaga ngang kami noon kaugnay sa pinaggagawa namin sa iyo ay mga tagagawa ng masagwa, na mga tagalabag sa katarungan."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah