Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:82

وَاسْأَلِ الْقَرْيَةَ الَّتِي كُنَّا فِيهَا وَالْعِيرَ الَّتِي أَقْبَلْنَا فِيهَا ۖ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ

Tanungin mo ang pamayanan na kami dati ay nasa loob niyon at ang karaban na pumunta kami kasama niyon. Tunay na kami ay talagang mga tapat.’"

Tafsir

Upang makapagpatunay ka sa katapatan namin, magtanong ka po, O ama namin, sa mga mamamayan ng Ehipto na kami dati ay naroon at magtanong ka po sa mga kasamahan sa karaban na pumunta kami kasama ng mga iyon, magpapabatid sila sa iyo ng ipinabatid namin sa iyo. Tunay na kami ay totohanang talagang mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo hinggil sa kanya na pagnanakaw niya.'"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah