Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:8

إِذْ قَالُوا لَيُوسُفُ وَأَخُوهُ أَحَبُّ إِلَىٰ أَبِينَا مِنَّا وَنَحْنُ عُصْبَةٌ إِنَّ أَبَانَا لَفِي ضَلَالٍ مُبِينٍ

[Banggitin] noong nagsabi sila: "Talagang si Yūsuf at ang kapatid niya ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang nakararaming pangkat. Tunay na ang ama natin ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.

Tafsir

Nang nagsabi ang mga kapatid nila sa gitna nila: "Talagang si Jose at ang kapatid niyang buo ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang pangkat na may bilang, kaya papaanong nagtangi siya sa dalawa higit sa atin? Tunay na tayo ay talagang makapagtuturing sa kanya na nasa isang pagkakamaling malinaw nang nagtangi siya sa dalawa higit sa atin nang walang kadahilanang lumilitaw sa atin.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah