Surah 12 · Juz 13
Yusuf · 12:73
قَالُوا تَاللَّهِ لَقَدْ عَلِمْتُمْ مَا جِئْنَا لِنُفْسِدَ فِي الْأَرْضِ وَمَا كُنَّا سَارِقِينَ
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalaman ninyo na hindi kami dumating upang manggulo sa lupain, at hindi nangyaring kami ay mga magnanakaw."
Tafsir
Nagsabi sa mga iyon ang mga kapatid ni Jose: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalaman ninyo ang kawalang-kinalaman namin at ang kawalang-sala namin gaya ng nakita ninyo mula sa mga kalagayan namin, at na kami ay hindi dumating sa Lupain ng Ehipto upang magtiwali roon. Hindi kami sa tanang buhay namin naging mga magnanakaw."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah