Surah 12 · Juz 13
Yusuf · 12:69
وَلَمَّا دَخَلُوا عَلَىٰ يُوسُفَ آوَىٰ إِلَيْهِ أَخَاهُ ۖ قَالَ إِنِّي أَنَا أَخُوكَ فَلَا تَبْتَئِسْ بِمَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Noong nakapasok sila sa kinaroroonan ni Yusuf ay pinatuloy niya sa kanya ang kapatid niya. Nagsabi siya: "Tunay na ako ay ang kapatid mo kaya huwag kang magdalamhati sa ginagawa nila noon."
Tafsir
Noong nakapasok ang mga kapatid ni Jose kay Jose at kasama nila ang kapatid niyang buo, inilapit niya sa kanya ang kapatid niyang buo at nagsabi siya rito nang palihim: "Tunay na ako ay ang kapatid mong buo, si Jose, kaya huwag kang malungkot sa dating pinaggagawa ng mga kapatid mo na mga gawaing salawahan gaya ng pananakit, paghihinanakit sa atin, at pagtapon nila sa akin sa balon."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah