Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:67

وَقَالَ يَا بَنِيَّ لَا تَدْخُلُوا مِنْ بَابٍ وَاحِدٍ وَادْخُلُوا مِنْ أَبْوَابٍ مُتَفَرِّقَةٍ ۖ وَمَا أُغْنِي عَنْكُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۖ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۖ عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ ۖ وَعَلَيْهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُتَوَكِّلُونَ

Nagsabi siya: "O mga anak ko, huwag kayong pumasok mula sa isang pinto, bagkus ay pumasok kayo mula sa mga pintong nagkakaiba-iba. Wala akong magagawa na anuman para sa inyo mula kay Allāh. Walang iba ang pagpapasya kundi ukol kay Allāh. Sa Kanya ako nagtiwala at sa Kanya magtiwala ang mga nagtitiwala."

Tafsir

Nagsabi sa kanila ang ama nila habang nagtatagubilin sa kanila: "Huwag kayong magsipasok sa Ehipto mula sa pintong nag-iisa na mga magkakasama, subalit magsipasok kayo mula sa mga pintong magkakaiba-iba sapagkat iyon ay higit na ligtas laban sa paglalahat sa inyo ng isa sa kapinsalaan kung nagnais ito niyon sa inyo. Hindi ako nagsasabi sa inyo niyon upang magtulak ako palayo sa inyo ng isang kapinsalaang ninais ni Allāh sa inyo at hindi upang magdulot ako para sa inyo ng isang kapakinabangang hindi ninais ni Allāh sapagkat ang pagtatadhana ay walang iba kundi ang pagtatadhana ni Allāh at ang pag-uutos ay walang iba kundi ang pag-uutos Niya. Sa Kanya lamang ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at sa Kanya lamang ay manalig ang mga nananalig sa mga nauukol sa kanila."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah