Surah 12 · Juz 13
Yusuf · 12:61
قَالُوا سَنُرَاوِدُ عَنْهُ أَبَاهُ وَإِنَّا لَفَاعِلُونَ
Nagsabi sila: "Magtatangka kaming humimok sa ama niya [sa pagsasama] sa kanya, at tunay na kami ay talagang mga gagawa [niyon]."
Tafsir
Kaya sumagot sa kanya ang mga kapatid niya, na mga nagsasabi: "Hihilingin namin siya sa ama namin at pagsusumikapan namin iyon. Tunay na kami ay talagang mga gagawa ng ipinag-utos mo sa amin nang walang pagpapakulang."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah