Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:59

وَلَمَّا جَهَّزَهُمْ بِجَهَازِهِمْ قَالَ ائْتُونِي بِأَخٍ لَكُمْ مِنْ أَبِيكُمْ ۚ أَلَا تَرَوْنَ أَنِّي أُوفِي الْكَيْلَ وَأَنَا خَيْرُ الْمُنْزِلِينَ

Noong nagkaloob siya sa kanila ng kagamitan nila ay nagsabi siya: "Dalhin ninyo sa akin ang isang kapatid ninyo mula sa ama ninyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay naglulubos sa pagtatakal at ako ay pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy?

Tafsir

Noong nakapagbigay siya sa kanila ng hiniling nila na panlaang pagkain at baon ay nagsabi siya, matapos na nagpabatid sila sa kanya na mayroon silang isang kapatid sa ama nila na iniwan nila sa piling ng ama nito: "Dalhin ninyo sa akin ang kapatid ninyo mula sa ama ninyo, magdaragdag ako sa inyo ng isang pasan ng kamelyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay nagpapakumpleto ng pagtatakal at hindi kumukulang nito, at ako ay pinakamabuti sa mga tagatanggap ng panauhin?

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah