Surah 12 · Juz 13
Yusuf · 12:56
وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي الْأَرْضِ يَتَبَوَّأُ مِنْهَا حَيْثُ يَشَاءُ ۚ نُصِيبُ بِرَحْمَتِنَا مَنْ نَشَاءُ ۖ وَلَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُحْسِنِينَ
Gayon Kami nagpatatag sa katungkulan kay Yusuf sa lupain. Naninirahan siya roon saanman niya niloloob. Nagpapadapo Kami ng awa Namin sa sinumang niloloob Namin, at hindi Kami nagwawala sa pabuya sa mga tagagawa ng maganda.
Tafsir
Kung paanong nagmagandang-loob Kami kay Jose ng pagkawalang-sala at paglaya sa pagkakulong, nagmagandang-loob Kami sa kanya ng pagbibigay-kapangyarihan para sa kanya sa Ehipto. Nanunuluyan siya at naninirahan siya sa alinmang lugar na niloob niya. Nagbibigay Kami mula sa awa Namin sa Mundo sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Hindi Kami nagwawala ng gantimpala sa mga tagagawa ng maganda, bagkus magtutumbas Kami sa kanila nito nang ganap nang hindi kinukulangan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah