Surah 12 · Juz 13

Yusuf · 12:53

۞ وَمَا أُبَرِّئُ نَفْسِي ۚ إِنَّ النَّفْسَ لَأَمَّارَةٌ بِالسُّوءِ إِلَّا مَا رَحِمَ رَبِّي ۚ إِنَّ رَبِّي غَفُورٌ رَحِيمٌ

Hindi ako nagpapawalang-sala sa sarili ko; tunay na ang sarili ay palautos ng kasagwaan, maliban sa kinaawaan ng Panginoon ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad, Maawain.

Tafsir

Nagpatuloy ang maybahay ng Makapangyarihan sa pagsasalita nito, na nagsasabi: "Hindi ako nagpapawalang-kinalaman ng sarili ko sa pagnanais ng kasagwaan at hindi ako nagnais niyon ng pagbibigay-matuwid sa sarili ko dahil ang gawi ng kaluluwang pantao ay ang kadalasan ng pag-uutos ng kasagwaan dahil sa pagkahilig nito sa ninanasa nito at sa kahirapan ng pagpigil nito roon, maliban sa kinaawaan ni Allāh na mga kaluluwa sapagkat nagsanggalang Siya sa mga ito laban sa pag-uutos ng kasagwaan. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah