Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:50

وَقَالَ الْمَلِكُ ائْتُونِي بِهِ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُ الرَّسُولُ قَالَ ارْجِعْ إِلَىٰ رَبِّكَ فَاسْأَلْهُ مَا بَالُ النِّسْوَةِ اللَّاتِي قَطَّعْنَ أَيْدِيَهُنَّ ۚ إِنَّ رَبِّي بِكَيْدِهِنَّ عَلِيمٌ

Nagsabi ang Hari: "Dalhin ninyo siya sa akin." Ngunit noong dumating sa kanya ang sugo ay nagsabi siya: "Bumalik ka sa panginoon mo at tanungin mo siya kung ano ang lagay ng mga babae na humiwa-hiwa ng mga kamay nila. Tunay na ang Panginoon ko, sa pakana nila, ay Maalam."

Tafsir

Nagsabi ang Hari sa mga tagatulong nito noong umabot dito ang paghahayag ni Jose sa panaginip nito: "Palabasin ninyo siya mula sa bilangguan at dalhin ninyo siya sa akin." Ngunit noong dumating kay Jose ang sugo ng hari ay nagsabi siya rito: "Bumalik ka tungo sa amo mong hari saka tanungin mo siya tungkol sa kasaysayan ng mga babaing sumugat sa mga kamay nila upang lumitaw ang kawalang-sala ko bago ng paglabas mula sa bilangguan. Tunay na ang Panginoon ko, sa ginawa nila sa akin na pagtatangkang mang-akit, ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman doon."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah