Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:47

قَالَ تَزْرَعُونَ سَبْعَ سِنِينَ دَأَبًا فَمَا حَصَدْتُمْ فَذَرُوهُ فِي سُنْبُلِهِ إِلَّا قَلِيلًا مِمَّا تَأْكُلُونَ

Nagsabi siya: "Magtatanim kayo nang pitong taong sunud-sunod, at ang anumang aanihin ninyo ay hayaan ninyo ito sa uhay nito, maliban sa kaunti mula sa kakainin ninyo.

Tafsir

Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang naghahayag sa panaginip na ito: "Magtatanim kayo nang pitong taong nagkakasunuran nang dibdiban, saka ang anumang aanihin ninyo sa bawat taon mula sa pitong taong iyon ay iwan ninyo sa mga uhay nito bilang paghahadlang dito laban sa pagkabulok, maliban sa kaunti mula sa kakailanganin ninyong mga butil para kainin.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah