Surah 12 · Juz 12
Yusuf · 12:45
وَقَالَ الَّذِي نَجَا مِنْهُمَا وَادَّكَرَ بَعْدَ أُمَّةٍ أَنَا أُنَبِّئُكُمْ بِتَأْوِيلِهِ فَأَرْسِلُونِ
Nagsabi ang naligtas mula sa dalawang [bilanggo] at nakaalaala matapos ng isang yugto: "Ako ay magbabalita sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan nito, kaya magsugo kayo sa akin [kay Yūsuf]."
Tafsir
Nagsabi ang tagapagpainom na naligtas mula sa dalawang binatang bilanggo, at nakaalaala kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa taglay niya na kaalaman sa pagpapakahulugan sa panaginip, matapos ng isang yugto: "Ako ay magpapabatid sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan sa napanaginipan ng hari matapos ng pagtatanong sa may kaalaman sa pagpapakahulugan nito. Kaya magpadala ka sa akin, O hari, kay Jose upang magpakahulugan siya sa panaginip mo."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah