Surah 12 · Juz 12
Yusuf · 12:37
قَالَ لَا يَأْتِيكُمَا طَعَامٌ تُرْزَقَانِهِ إِلَّا نَبَّأْتُكُمَا بِتَأْوِيلِهِ قَبْلَ أَنْ يَأْتِيَكُمَا ۚ ذَٰلِكُمَا مِمَّا عَلَّمَنِي رَبِّي ۚ إِنِّي تَرَكْتُ مِلَّةَ قَوْمٍ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ كَافِرُونَ
Nagsabi siya: "Walang dumarating sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa ng pagpapakahulugan nito bago pa man dumating ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
Tafsir
Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Walang pumupunta sa inyo na pagkaing ipinararating sa inyong dalawa mula sa hari o iba pa sa kanya malibang maglilinaw ako para sa inyong dalawa ng katotohanan niyon at katangian niyon bago pumunta ito sa inyong dalawa. Ang pagpapakahulugang iyon na ipaaalam ko ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko, hindi mula sa panghuhula ni mula sa astrolohiya. Tunay na ako ay nag-iwan sa relihiyon ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah