Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:3

نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ أَحْسَنَ الْقَصَصِ بِمَا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ هَٰذَا الْقُرْآنَ وَإِنْ كُنْتَ مِنْ قَبْلِهِ لَمِنَ الْغَافِلِينَ

Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng pinakamaganda sa mga salaysay sa pamamagitan ng pagsiwalat Namin sa iyo ng Qur’ān na ito bagamat ikaw dati bago nito ay talagang kabilang sa mga nalilingat.

Tafsir

Kami ay nagsasalaysay sa iyo, O Sugo, ng pinakamaganda sa mga salaysay dahil sa katapatan nito, kawastuhan ng mga pananalita nito, at retorika nito sa pamamagitan ng pagpapababa Namin sa iyo ng Qur’ān na ito. Tunay na ikaw dati bago pa ng pagpapababa nito ay kabilang sa mga nalilingat sa mga salaysay na ito: walang kaalaman sa iyo rito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah