Surah 12 · Juz 12
Yusuf · 12:25
وَاسْتَبَقَا الْبَابَ وَقَدَّتْ قَمِيصَهُ مِنْ دُبُرٍ وَأَلْفَيَا سَيِّدَهَا لَدَى الْبَابِ ۚ قَالَتْ مَا جَزَاءُ مَنْ أَرَادَ بِأَهْلِكَ سُوءًا إِلَّا أَنْ يُسْجَنَ أَوْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Nag-unahan silang dalawa sa pinto, pinunit nito ang damit niya mula sa likuran, natagpuan nilang dalawa ang asawa nito sa tabi ng pinto, nagsabi ito: "Walang iba ang ganti sa sinumang nagnanais sa maybahay mo ng kasagwaan malibang ibilanggo siya o isang pagdurusang masakit."
Tafsir
Nag-unahan silang dalawa patungo sa pintuan: si Jose upang magligtas siya sa sarili niya at ang babae upang pumigil ito sa kanya sa paglabas, saka humawak ito sa kamisa niya upang pumigil sa kanya sa paglabas kaya nakawarat ito roon mula sa likuran niyon. Nakatagpo silang dalawa sa asawa nito sa tabi ng pinto. Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan sa Makapangyarihan habang nanggugulang: "Walang iba ang parusa sa sinumang naglayon sa maybahay mo, O Makapangyarihan, ng paggawa ng mahalay kundi ang pagkabilanggo o na pagdusahin ng isang pagdurusang nakasasakit."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah