Surah 12 · Juz 12

Yusuf · 12:23

وَرَاوَدَتْهُ الَّتِي هُوَ فِي بَيْتِهَا عَنْ نَفْسِهِ وَغَلَّقَتِ الْأَبْوَابَ وَقَالَتْ هَيْتَ لَكَ ۚ قَالَ مَعَاذَ اللَّهِ ۖ إِنَّهُ رَبِّي أَحْسَنَ مَثْوَايَ ۖ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ

Nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya ang [babaing] siya ay nasa bahay nito. Nagsara ito ng mga pinto at nagsabi: "Halika ka!" Nagsabi siya: "Pagpapakupkop kay Allāh! Tunay na siya ay panginoon ko; nagmagandang-loob siya sa pagpapatira sa akin. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan."

Tafsir

Hiniling ng maybahay ng Makapangyarihan nang may lumanay at paggamit ng panggugulang kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na gumawa ng mahalay. Nagsara ito ng mga pinto bilang pagpapasidhi sa pagsasarilinan at nagsabi ito sa kanya: "Pumarito ka at halika ka sa akin!" Kaya nagsabi si Jose: "Nagpapasanggalang ako kay Allāh laban sa pag-anyaya mo sa akin! Tunay na ang amo ko ay gumawa ng maganda sa akin sa pagpapanatili sa akin sa piling niya kaya hindi ako magtataksil sa kanya sapagkat kung nagtaksil ako sa kanya, ako ay magiging isang tagalabag sa katarungan. Tunay na hindi nagtatamo ang mga tagalabag sa katarungan."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah